Ang Magsasaka

Init ng sikat ng araw ay handang labanan
Trabaho lamang sa bukid ay magampanan
Lakas at pawis ang puhunan
Upang mayamang lupang sakahan ay makamtan

Hindi natatakot kahit na sa lamig
Buong maghapon ay gumagawang pilit
Lahat ng pagod ay hindi iniinda
Basta't may maiuwi lamang na pagkain para sa pamilya

Iyan ang buhay ng magsasaka
Lahat ay ginagawa sa abo't ng makakaya
Bukirin ang laging nasa hagap
Iyan ang pag-asa ng taong nagsisikap

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Si Kakan