Mga Post

Si Kakan

Siya si kakan Katuwang ang aking itay sa sakahan Siya'y hindi nag rereklamo Mapagod man ng husto sa pag aararo Lakas ng katawan niya ang puhunan Sanay siya sa hirap at biladan Hindi magagawa ni itay ang trabaho sa sakahan Kung wala si kakan na kanyang sandalan Tinagurian siyang pambansang hayop ng mga Pilipino Lahat ng mga gawaing bukid siya ang sandigan Pagkat nakasasalay sa kanya ang pag unlad ng sakahan Siya si kakan ang kalabaw na laging nandiyan upang tata'y koy tulungan

Ang Magsasaka

Init ng sikat ng araw ay handang labanan Trabaho lamang sa bukid ay magampanan Lakas at pawis ang puhunan Upang mayamang lupang sakahan ay makamtan Hindi natatakot kahit na sa lamig Buong maghapon ay gumagawang pilit Lahat ng pagod ay hindi iniinda Basta't may maiuwi lamang na pagkain para sa pamilya Iyan ang buhay ng magsasaka Lahat ay ginagawa sa abo't ng makakaya Bukirin ang laging nasa hagap Iyan ang pag-asa ng taong nagsisikap